m0i-bLahG
mEsS wiTh My miNd y dOnt yA

ang gugma...

By cating

Bob Ong's Philosophy on Love.

1. "Huwag mong bitawan ang bagay /tao na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.."

2. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka

naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo

kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang

pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay

mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi

pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao

rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo

para mahalin ka nya..."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa

mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan

kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,

malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,

mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng

kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang

kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga

crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,

kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida

sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag

nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang

makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng

hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin

ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.

Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang

hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit?

Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo

sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang

tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa

lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag

nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."



*legend:

red - B

blue - C

yellow - J

purple - all of the above

 

4 comments so far.

  1. J July 14, 2009 5:37 PM
    nindut e.sumsuman ning mga linya ni bob ong dah... saman, tagay? :D
  2. cating July 14, 2009 5:42 PM
    tagay!!!:D
  3. kakkoii July 15, 2009 12:36 AM
    nkabantay lagi ko ay.. murag mas daghan lagi ang red ug color ani nga blog. wahhhhhhhhhhhh
  4. cating July 15, 2009 2:07 PM
    mas daghan man kag ma relate-an gud. hahaha

Something to say?